-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Matagumpay na nakauwi sa kani-kanilang lugar dito sa Caraga ang 1,342 locally stranded individuals o LSIs matapos na-estranded sa Luzon at Visayas sa halos anim na buwan dahil sa community quarantine.
Nitong Martes ng umaga ng dumaong sa pantalan ng Nasipit, Agusan Del Norte ang barkong sinasakyan sa mga LSIs na siyang 2nd wave sa unang batch sa Hatid Tulong Program ng pamahalaan.
Ang dumating na indibidwal ay isinailalim sa mahigpit na health protocols bago bumiyahe sa kani-kanilang lugar nitong rehiyon. Kasama sa tumanggap ng mga LSIs ay ang government agencies gaya sa DSWD, DOH, DILG, OCD, PNP, at LTFRB.