-- Advertisements --

MANILA – Aabot sa 1,344 healthcare workers na ang naka-kumpleto sa pagtanggap ng COVID-19 vaccines matapos maturukan ng ikalawang dose ng bakuna.

The National Capital Region has started administering the 2nd dose for the HCW vaccinees, maximizing protection for our healthcare workers,” ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa datos ng DOH at National Task Force against COVID-19 (NTF), katumbas ng bilang ang 0.1% mula sa kabuuang 738,913 naturukan ng COVID-19 vaccines.

Nakasaad sa report ng mga ahensya na may 737,569 nang nabakunahan ng first dose.

Ito ay galing daw sa 1.79-million na total allocation ng bakuna.

“As of 30 March 2021, 2,596 vaccination sites are conducting COVID-19 vaccination in various sites in across all regions.”

Sa kasalukuyan, mayroon na raw 1.486-million vaccine doses na naipamahagi sa vaccination sites. Kabilang na rito ang 84,800 doses na natanggap ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines.

Galing ito sa total na 2.525-million doses na hawak ng bansa.

“The total doses received have doubled with the recent arrival of the 1-milllion CoronaVac doses. These doses shall be processed for allocation which shall be reflected in the next week’s report.”

Ayon sa Health department, limitado pa lang sa A1 o grupo ng healthcare workers, at A2 o senior citizens, ang bakunahan.

“A1 who were given the option between CoronaVac or AstraZeneca vaccines; A2 who were given AstraZeneca vaccines.”

Sinabi naman ng ahensya na matagumpay na nagamit ng Bicol, Eastern Visayas, at Northern Mindanao implementing units ang AstraZeneca vaccines na ibinahagi sa kanila.