-- Advertisements --
Sinabi ng Philippine Coast Guard na may na-monitor itong higit 135 Chinese Maritime Militia vessels sa Julian Felipe Reef.
Sa isang pahayag nitong Linggo, sinabi ng Philippine Coast Guard na nauna na nitong na monitor ang 111 Chinese vessels sa naturang lugar noong November 13. Kalaunan tumaas naman ang bilang sa 125, at nito lamang Dec. 2, nakapagmonitor ang mga awtoridad ng higit 135 vessels sa lugar.
Ang Julian Felipe Reef ay matatagpuan sa 175 nautical miles west ng Bataraza, Palawan. Parte ito ng Kalayaan island group, at parte ng teritoryo ng Pilipinas.