Nagwagi ang 14-anyos na si Zaila Avant-garde sa Scripps National Spelling Bee.
Itinuturing si Zaila bilang kauna-unahang African American na nanalo ng 90-anyos na spelling bee contest.
Itinuloy ang finals matapos na makansela ito noong nakaraang taon dahil sa COVID-19.
Ginanap ang contest sa Walt Disney World Resort sa Orlando kung saan nag-uwi ito ng $50,000 bilang premyo.
Si Avant-garde na mula sa New Orleans ay unang Black contestant na nanalo mula ng magwagi si Jody-Anne Maxwell ng Jamaica noong 1988.
Nagpanalo sa kaniya ang salitang “Nepeta” isang uri ng plant genus kung saan napahinto pa ito ng bahagya dahil mahina ang pagbigkas nito at ng ipaulit ay nakuha niya ang tamang spelling ng nasabing salita kaya idineklara siyang panalo ng mga judges.
Pumangalawa naman sa patimpalak ang 12-anyos na si Chaitra Thummala mula sa San Francisco matapos na mabigong ma-ispell ang salitang “neroli oil”.
Si Avant-garde ay kinilala din ng Guinness World Record dahil sa “Most Baskeballs Dribbled Simultaneously”.