-- Advertisements --
Patay ang 14-anyos na batang babae matapos na lapain ng leon sa Nairobi, Kenya.
Ayon sa Kenya Wildlife Service (KWS) na bigla na lamang nilapa ng leon ang bata sa residential compound na katabi ng Nairobi National Park.
Natagpuan na lamang ng mga rescuers ang bangkay ng biktima malapit sa Mbagathi River.
Hindi naman na nahuli ang leon kung saan naglagay na ng patibong ang KWS para ito ay kanilang mahuli.
Dinagdagan na ng mga otoridad ang seguridad sa lugar para hindi na maulit pa ang nasabing insidente.