Isang 14-anyos na tech prodigy mula Dallas, USA na si Siddarth Nandyala ang naka-develop ng Circadian AI, isang mobile app na kayang mag-detect ng heart-related conditions sa loob lamang ng ilang segundo.
Si Siddarth ang pinakabatang certified AI professional sa buong mundo, at ang kanyang app ay kinikilala bilang isang medical breakthrough.
Ginagamit ng Circadian AI ang heart sound recordings mula sa smartphone upang matukoy ang mga posibleng problema sa puso, na may 96% accuracy.
Na-testing ang naturang app sa mahigit 15,000 pasyente sa U.S. at 700 sa India, kabilang na sa Guntur Government General Hospital sa Andhra Pradesh. Dahil dito, napansin ang malaking potensyal ng app sa tunay na medical setting.
Bukod sa Circadian AI, abala rin siya sa paggawa ng isang mas abot-kayang prosthetic arm technology, at siya rin ang nagtatag ng STEM IT noong 2023, na layuning sanayin ang kabataan sa mabilis na mundo ng teknolohiya.
Kabilang sa mga parangal niya ang Innovator of the Year 2023 at National STEM Champion.
Sa murang edad, patuloy na pinapakita ni Siddarth ang galing sa larangan ng agham at teknolohiya, na maaaring magbago ng takbo ng healthcare at edukasyon sa hinaharap.