BUTUAN CITY – Naglunsad ng imbestigasyon ang mga sakop ng Butuan City Police Station-4 upang malaman kung wala bang foul play ang insidente sa pagbigti sa 14-anyos na lalaki kahapon ng hapon sa may P-1, Brgy. Tagabaca, Butuan City.
Kasama sa nasabing hanay ng pulisya ang Regional Foreignsic Unit-13 sa pangunguna ni Police Kapitan Paolo Acosta na siyang nagproseso sa crime scene.
Napag-alamang natagpuan na lamang sa kapitbahay na si Darwin Valentine Casiño nga nakabitin ang wala na pinangalanang biktima pasado alas 3:20 sa hapon sa puno ng kahoy na acacia sa gilid ng palayan.
Ginamit nito ang lubid na tali ng kalabaw na itinali rin sa kaniyang leeg.
Nakaranas umano ng depresyon ang biktima dahil sa problema sa pamilya.
Habang sa mga impormasyong nakuha, posibleng nagtampo umano ang biktima matapos hindi nabigyan sa hinihinging baon dahil na rin sa kawalang maibigay ang mga magulang sa mga sandaling iyon.