-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Humantong sa trahedya ang sana masayang family bonding sa pamilyang Doyugan mattapos nalunod ang 14-anyos nilang kasamahan kaninang hapon sa isang beach resort sa District 3, Barangay Sacol, Buenavista Agusan del Norte.

Napag-alamang nabulabog ang mga naliligo sa nasabing beach resort mga bandang ala 1:45 sa hapon matapos ang balitang may bata na nalunod. Isang 14-anyos ang biktima na residente sa Purok 7, Barangay Bitan-agan, Butuan City.

Ayon sa pahayag sa ina na si Ludivina O. Doyugan, 41-anyos, habang naliligo ang kanilang pamilya ay nagpaalam ang kaniyang anak na maligo sa dagat ngunit nakita na lamang nila na kumaway-kaway ang biktima na parang naghihingi ng tulong dahilang nirespondihan agad sa mga nakakita.

Ngunit dahil sa lakas ng current sa tubig dagat dahilang nadala ito sa alon at hindi na makita. Daling humingi ng tulong ang pamilya sa mga rescuers sa pamamagitan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Buenavista, at sinuhid ang karagatan sa lugar.

Pagkaraan sa 20 minuto ay nakita ang biktima na palutang-lutang sa tubig at dali nila itong ni-rescue. Dinala rin sa Nasipit District Hospital ngunit dineklarang Dead On Arrival sa attending physician ang biktima.