KALIBO, Aklan—Pinaglalamayan na ngayon ang 14-anyos na binatilyo sa kanilang bahay sa Barangay Pagsanjan, Banga, Aklan matapos na marekober ang kaniyang bangkay bandang alas-2:30 ng madaling araw sa baybayin ng Barangay Dumatad, Tangalan, Aklan.
Ito ang kinumpirma ni P/Executive Master Sgt. Esmael Panganonong, focal person ng Tangalan Municipal Police Station.
Ang biktimang si Rey Morales ay nalunod noong araw ng lingo matapos na mag-excursion ang kanilang pamilya sa nasabing lugar.
Nakita ang labi nito sa isinagawang search and retrieval operation ng mga awtoridad halos 200 meters lamang ang layo mula sa pinangyarihan ng insidente at malapit sa community center gayundin sa Philippine Coast Guard sub-station.
Posible aniyang hindi na nakaahon ang biktima nang hampasin ng malakas na alon at nataon pang malalim ang tubig dahil sa high tide.
Paalala ni PEMS Panganonong sa lahat ng mga nagbabalak na pumunta ng mga babayin lalo na’t matindi ang init ng panahon na bantayan ang mga bata upang maiwasan ang insidente ng pagkalunod.