-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang menor de edad na lalaki matapos aksidenteng makainom ng insecticides sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Alex Orcine, ama ng biktimang si John Axell Orcine, 14, sinabi nitong naglaro ang bata at nang makauwi sa bahay, ininom nito ang nasa loob ng isang disposable glass na inakala nitong tubig.

Ngunit bigla na umanong nag-iba ang pakiramdam ng biktima hanggang sa itinakbo na ito sa ospital at doon kinumpirma ng doktor na lason ang nainom ng bata.

Tumagal pa ng ilang araw ang buhay ng biktima ngunit binawian pa rin ito ng buhay.

Sa ngayon, palaisipan sa pamilya Orcine kung sino ang naglagay ng insecticide sa loob ng kanilang bahay.