-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang binatilyo nang maatrasan ng trak sa siyudad ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si alyas Emar, 14, residente Barangay Poblacion 9, Cotabato City.

Ayon kay Brgy Poblacion 9 Barangay chairman Jonas Mohammad, basurero at pahinante ang garbage truck ng ciity LGU ay hindi napansin nito ang biktima na nangangalakal ng basura.

Pag-atras ng garbage truck ay doon na nasapol ang binatilyo sa kanyang katawan.

Binawian ng buhay si Emar nang magtamo ng maraming sugat at bali sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng City PNP sa lungsod ng Cotabato sa naturang pangyayari.