CENTRAL MINDANAO-Umakyat na sa labing apat (14) ang nasawi sa mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at tatlo sugatan sa militar sa kalat-kalat na sagupaan sa SPMS Box sa lalawigan ng Maguindanao.
Ito mismo ang kinomperma ni Lieutenant Colonel John Paul D. Baldomar, ang tagapagsalita ng 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army.
Matatandaan na unang nagkasagupa ang tropa ng militar at BIFF sa Barangay Kitango Datu Saudi Ampatuan Maguindanao hanggang kumalat ito sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha,Mamasapano,Shariff Aguak,Datu Unsay at Datu Salibo.
Lomobo rin ang bilang ng mga sibilyan na lumikas sa mga apektadong lugar sa sagupaan sa Maguindanao.
May mga kampo na rin ng BIFF ang nakubkob ng Joint Task Force Central,mga narekober ng mga armas at mga pampasabog.
Hinikayat ni Colonel Baldomar ang ibang BIFF na sumuko na at magbagong buhay.
Sa ngayon ay patuloy na namamahagi ng tulong sa mga bakwit ang Provincial Government ng Maguindanao at BARMM.