-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpasaklolo ang Iloilo City Government kasunod ng pagsailalim sa total lockdown ng 14 na mga barangay sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na nagkahawaan ng COVID-19 ang mga residente ng nasabing mga barangay at upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng virus.

Ayon sa alkalde, malalaking mga barangay ang ni-lockdown at libu-libong mga residente ang apektado.

Ang mga na lockdown ay kinabibilangan ng tatlong barangay sa Jaro; dalawa sa Iloilo City Proper; isa sa Arevalo; isa sa Mandurriao; isa sa Calumpang; isa sa Lapaz; at lima sa Lapuz.

Nanawagan naman si Treñas sa Bombo Radyo upang kumatok sa mga nais tumulong at magbigay ng mga relief goods.