-- Advertisements --
CEBU CITY – Sibak sa pwesto ang 14 na pulis ng Police Regional Office-7 dahil sa iba’t-ibang kaso na kinasasangkutan ng mga ito.
Inaprubahn ni regional office director B/Gen. Debold Sinas ang dismissal order ng naturang mga pulis na nauugnay sa mga kasong may kinalaman sa illegal drugs, pagsusugal, pagiging AWOL (absent without leave) at hindi pagdalo sa mga pagdinig ng korte.
Samantala, tinanggal naman sa serbisyo ang isang patrolman ng Mandaue City PNP matapos magpositibo sa random drug test.