Nakatakdang sumailalim sa compulsory two-week quarantine at posibleng isolation ang mga magtutungo sa France, kabilang na ang mga French citizens na magbabalik-bansa, upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.
Naghahanda na kasi ang France – na ikalima sa mga bansang pinakaapektado ng COVID-19 pandemic na may 24,594 deaths –
para sa gradual o unti-unting pagpapaluwag ng lockdown measures mula Mayo 11.
Pero ang bagong quarantine guidelines ay isasama sa kautusang nakalahad sa panukalang batas na nagpapalawig sa state of emergency hanggang Hulyo 24.
“This quarantine will be imposed on any person returning on French soil,” wika ni Health Minister Olivier Veran sa isang press briefing.
Paliwanag pa ni Veran, nakadetalye sa ilalathalang kautusan ang haba at kondisyon ng quarantine para sa mga asymptomatic na indibidwal at isolation para sa mga nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.
Susuriin naman umanong mabuti ng mga hukom ang mga pasya tungkol sa pag-isolate ng isang indibidwal para matiyak na ito ay nararapat at patas. (Reuters)