-- Advertisements --
Mayroong 1,300 na mga overseas Filipino workers (OFW) ang maaapektuhan sa 14-day travel ban na ipinatupad ng Hong Kong sa Pilipinas.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) administrator Bernard Olalia na mayroong 2,600 na mga OFW ang nagtutungo sa Hong Kong sa kada buwan kay kalahati nito ay maaaring maapektuhan sa 2-linggong ban na ipinatupad ng Hong Kong.
Kahit na mayroong ban ay magpapatuloy pa rin ang pagproseso ng POEA at Philippine Overseas Labor Office (POLO) ng mga overseas employment certifications.
Magugunitang sinuspendi ng Hong Kong ang mga flights mula sa India, Pakistan at Pilipinas simula Abril 20 sa loob ng dalawang linggo matapos na makitaan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.