-- Advertisements --
sanib1

BUTUAN CITY – Nababalot ngayon ng takot ang mga estudyante ng Bunyasan National High School sa bayan ng Malimono, Surigao del Norte pati ang kanilang mga magulang at mga guro matapos umanong saniban ang 14 na mga mag-aaral.

Ayon kay school principal Charlita Nicolas, bigla na lamang umanong natumba at nangingisay habang na-iiba ang boses ng mga Grade 8 students kaya’t nag-iiyakan at nagsisigawan sa takot ang kanilang mga classmates sanhi ng kaagad na pagsuspende ng klase.

Kaagad namang nagsagawa ng misa at blessing sa buong paaralan at pina-uwi na ang mga estudyante upang maiwasang madagdagan pa ang mga nasaniban.

Dahil dito’y takot pa ang mga estudyante at kanilang mga magulang na pumasok sa kanilang klase ngayong Lunes.