CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ng Marawi Compensation Board (MCB) na maibigay lahat ng government financial assistance para sa higit-kumulang 14,000 claimants na nakabase sa main battle area ng Marawi City,Lanao del Sur.
Ito ang kasagutan ni MCB chairman Atty. Maisara Dandamun- Latiph sa panawagan ng grupong Marawi Consensus Group na matagal ang pagbigay ng kanilang dapat matanggap na kompensasyon kaugnay sa danyos na iniwan ng Marawi Siege na pinasimunuan ng grupong Maute-ISIS terrorists noong Mayo-Oktobre 2017.
Ginawa ni Latiph ang paglilinaw dahil inaakusa ng grupo na hindi umano patas ang pamimigay ng compensation funds para sa Marawi Internally Displaced persons.
Sinabi ng opisyal na dumaan sa mitikuluso na pag-uusisa ng MCB ang lahat ng claims at mga dokumento bago ang pag-release ng pondo ng gobyerno sa mga benepesaryo.
Magugunitang gusto ng MCB na mabigyan sila ng P7-B funds para mabigyan lahat ang claimants bago ang pagtatapos ng taong 2028.
Maliban sa pagbigay-hustisya sa mga namatay’ng mga biktima dahil sa atake ng mga terorista,kabilang rin sa inaabutan ng tulong-pinansyal ang Marawi Seige survivors na nawalan o nasiraan ng kabahayan at naputol na hanap-buhay.
Kung maalala,naubos ng government state forces pagpatay ang mga tumayong pinuno ng mga terorista kaya napanumbalik ang kapayapaan ng Marawi Oktobre 2027.