CENTRAL MINDANAO-Doble ang ligaya para sa libo-libong mga kabataan mula sa bayan ng Carmen sa isinagawang pagtitipon at pamimigay ng mga regalo sa “Pamaskong Handog para sa mga bata nina Gov. Lala at Cong. Sam Santos sa Carmen Cotabato.
Abot sa 14,000 na mga batang lima hanggang sampung taong gulang mula sa 28 baragays ng Carmen ang nakisaya sa pitong (7) iba’t ibang clustered venues sa mga barangay ng Malapag, Liliongan, Aroman, Ranzo, Gen. Luna, Manarapan, at Poblacion.
Mismong si 3rd District Congresswoman Ma. Alana Samantha T. Santos ang namigay ng mga regalo kasama sina 3rd District Board Member Jonathan M. Tabara at Provincial Advisory Council (PAC) Member Albert Rivera bilang kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza.
Sa mensahe ng batang Kongresista kanyang binigyang diin na ang tanging hangad ng pamahalaang panlalawigan ngayong panahon ng Pasko, sa ilalim ng adbokasiyang Serbisyong Totoo, katuwang ang kanyang tanggapan ay ang maipadama sa mga bata ang tunay na diwa ng Pasko sa pamamagitan ng pagbibigay ng saya at regalo sa mga ito.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay unang namigay ng regalo si Governor Mendoza sa una at ikalawang distrito ng probisya na isinagawa sa bayan ng Aleosan at Arakan.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Acting PSWDO Arleen A. Timson katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), Day Care Workers, (DCWs), Carmen Sangguniang Kabataan at mga lokal na opisyal ng mga na banggit na barangays.