-- Advertisements --

Magtatalaga ng 14,000 na riot officers ang Seoul sa mismong araw ng impeachment ruling ni dating South Korean President Yoon Suk Yeol.

Ito ay para maging response team ng kapulisan dahil sa posibleng mga magsasagawa ng kilos protesta sa araw na iyon.

Ang bilang na ito ay katumbas naman ng halos 60% ng lahat ng riot control forces na maaaring ipakalat sa mga lugar na nasa highest-level ng security alert.

Samantala, nauna na dito ay magtatalaga na sna ng 12,000 opisyal sa Seoul ngunit dahil sa pagtaas ng tsansa ng pagkkaroon ng mga pagatake sa lugar, dinagdagan na ito ng mga otoridad.

Inaasahan kasi ng mga otoridad na ang mga protesta at mga pagatake ay maaaring sa mga major facilities isagawa kabilang na ang Korte kung saan isasagawa ang naturang ruling.

Sa ngayon ay nakaantabay na ang mga kapulisan para sa deployment ng mga riot officers sa mga bahagi ng Constitutional Court kung saan nakastandby din ang special police forces.