-- Advertisements --

Nagpalipas sa gilid ng kalsada ang mga nasunungan residente ng West Fairview, Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot ng mahigit dalawang oras bago tuluyang naapula ang nasabing sunog kagabi.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, nagsimula umano ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay mula sa isa sa mga residente.

Bahagyang nahirapan BFP na makapasok sa lugar ng sunog dahil sa masikip na mga daanan papasok sa lugar ng pinangyarihan.

Wala namang naitalang nasawi at nasaktan sa nasabing insidente dahil mabilis na nakalabas ang mga ito.

Karamihan sa mga residente doon ay halos walang naisalbang mga gamit.
Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga otoridad sa sanhi ng nasabing sunog.