-- Advertisements --

Halos 14 na katao ang kumpirmadong patay dahil sa naganap na landslide sa Colombia kasunod ang pagbuhos ng malakas na ulan sa bansa.

Walong kabahayan naman ang naitalang nasira dahil sa bagyo na naging dahilan upang maharangan ang Pan-American Highway sa komunidad ng Rosas na 630 kilometers ang layo sa Timog-Kanlurang bahagi ng Bogota.

Nasa 25 katao naman ang pinaniniwalaang natabunan ng putik at nabagsakan ng mga nasirang kabahayan.

Kaagad namang rumesponde ang military forces upang tumulong sa search and rescue na isinasagawa sa mga apektadong lugar.

Ayon kay Colombian President Ivan Duque, kasalukuyang tinatanggal ng emergency services ang mga nakaharang sa daan upang hindi maging balakid sa mga paparating pang tulong.