-- Advertisements --
Patay ang nasa 14 na katao at marami ang sugatan matapos na sila ay madaganan ng bumagsak na higanteng billboard sa Mumbai, India.
Ang nasabing billboard na may laking 70 meters by 50 meters ay bumagsak sa mga kabahayan at gasolinahan.
Ayon sa mga opisyal ng Maharashtra state na dahil sa malakas na hangin dahil sa bagyo.
Dinala naman sa pagamutan matapos magtamo ng sugat sa kanilang katawan ang hindi bababa sa 80 katao.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing aksidente.