-- Advertisements --

KAMPALA, Uganda – Tumama ang isang nakamamatay na kidlat na kumitil sa buhay ng 14 na residente ng refugee camp sa bayan ng Palabek, Uganda kung saan 13 sa mga ito ay mga bata pa lamang.

Ayon sa pulis na si Kituuma Rusoke, naganap ang pangyayari noong nakaraang Sabado, Nobyembre 2 habang nagsasagawa sila ng prayer service sa isang pansamantalang istruktura na gawa sa metal.

Dagdag pa niya, sa kabuaan ay may 34 na mga naninirahan doon ang naitalang sugatan.

Ang naturang kampo ay ang siyang tinutuluyan ng halos 80,000 refugees na galing mula sa South Sudan.