-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Nagpapagaling pa sa pagamutan ang 14 kataong nasugatan sa pagbaliktad ng isang pampasaherong jeep sa Balluay, Sablan, Benguet.
Ayon sa Sablan Municipal Police Station, ang isa sa mga sugatan ang nailipat sa Baguio General Hospital and Medical Center dahil sa tinamo nitong sugat sa ulo.
Nananatili naman sa Benguet General Hospital ang 13 sa mga biktima.
Ayon kay PCapt. Salvador Anas, hepe ng Sablan MPS, nanggaling ang jeep sa Barangay Bagong at patungo sana ito sa Barangay Balluay nang nangyari ang aksidente.
Ipinaliwanag niya na nadulas ang jeep hanggang sa nabaliktad ito na nagresulta sa pagkakasugat ng mga pasaheros.
Una nang napagkasunduan ng driver at ng mga pasahero na idaan na lamang sa amicable settlement ang kaso.