CENTRAL MINDANAO-Isinuko ng lokal na pamahalaan ng Pagalungan Maguindanao ang umaabot 14 na matataas na uri ng armas sa militar.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax Uy na tinurn-over ng LGU-Pagalungan ang 14 loose firearms sa tropa ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion Philippine Army.
Ito ay kinabibilangan ng dalawang M16 Armalite rifles,apat na M1 Carbine rifles,limang caliber.30 Garand rifles,isang M14 rifle,isang 12 guage shotgun,mga bala at mga magazine.
Pormal namang tinanggap ni 602nd Brigade Commander Bregadier-General Roberto Capulong ang mga armas na isinuko sa bayan ng Pagalungan.
Sinabi ni Pagalungan Mayor Datu Salik Mamasabulod na ang mga armas ay isinuko ng mga sibilyan mula sa ibat-ibang Barangay ng bayan at itoy pagpapatunay nila sa suporta sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra loose firearms.
Kabilang sa mga sumaksi sa turn-over ceremony sa mga loose firearms sina 90th IB Commander Lieutenant Colonel Rommel Mundala,Vice Mayor Abdila Mamasabulod, Municipal Administrator Jay Mamasabulod at ibang mga opisyal sa bayan ng Pagalungan.
Pinuri naman ni MGen Uy ang 90th IB,602nd Brigade,Intelligence Units at LGU-Pagalungan sa matagumpay na pagsuko sa 14 loose firearms.
Nanawagan naman si 602nd Brigade Commander B/Gen Capulong sa may mga hawak na loose firearms sa Maguindanao na isuko na ito sa militar at pulisya.