-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Ibinida ng Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol ang 14 lugar sa rehiyon na nakatanggap ng 2019 Seal of Good Local Governance (SGLG).

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DILG Bicol Director Atty. Anthony Nuyda, may isang lalawigan, apat na lungsod at siyam na bayan sa Bicol na kabilang sa listahan.

Tanging ang lalawigan lamang ng Camarines Norte ang nakatanggap ng P4.6 million na cash incentives habang P3.5 million naman sa mga lungsod at P2.3 million sa mga bayan.

Ayon pa kay Atty. Nuyda, mas kaunti umano ang natanggap ng mga awardees ng 2019 SGLG mula sa Bicol kung ihahambing sa nakaraang taon dahil mas marami ang naghati-hati sa insentibo ngayong taon.

Magsasagawa naman ang ahensya ng monitoring at pinagsusumite ng report ang Local Government Unit (LGU) kung saan ginamit ang pera.

Kabilang sa seven governance areas na tinitingnan sa naturang parangal ang Financial Administration; Disaster Preparedness; Social Protection; Peace and Order; Business Friendliness and Competitiveness; Environmental Protection; at Tourism Culture.