-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pinaniniwalaang ang biniling pagkain na jelly ang dahilan sa pagka-food poison sa 14 na mag-aaral sa elementarya sa Barangay Kapatungan, Trento Agusan del Sur kaninang alas 3:15 ng hapon.

Daling dinala sa Valentina G.Plaza Memorial Hospital ang mga bata na galing sa Kapatungan Elementary School sa pamamagitan ng rumespondeng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO matapos itong nakaramdan ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka,, dahil sa nakaing”jelly”.

Sa pagkuha nitong balita ay nasa ospital pa ang mga biktima.