-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nagpadala na ng 14-man medical team ang Cagayan Valley Medical Center sa Batangas upang tumulong sa pangangailangang medical ng mga naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glen Matthew Baggao, Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center na ang 14-man team ay binubuo ng mga na- trained para tumugon sa kalamidad ang dalawang doktor, walong nurses, isang Pharmacist, isang attendant at tatlong tsuper dala ang dalawang ambulansiya at isang pick up kung saan isinakay ang mga medical equipment and suplies at iba’t ibang supplies ng gamot na pangunahing kinakailangan ng mga apektadong mamamayan .

Mayroon ding dala dala N95 mask ang nasabing grupo.

Sinabi pa ni Dr. Baggao na hindi lamang nila ito initiative kundi sa pakikipagtulungan ng DOH Calabarzon pangunahin na sa lalawigan ng Batangas

Hanggat kailangan ang serbisyo ng 14-man team na mula sa CVMC sa Batangas ay hindi sila aalis.