NAGA CITY – Kasabay ng pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng Philippine Independence Day ay ang pagsuko rin sa pamahalaan ng 14 na miyembro ng New People’s Army (NPA).
Kinilala ang mga ito na sina alyas Sony, alyas Jay, alyas Sixto, alyas Onyok, alyas Czar, alyas Joni, alyas Mundo, alyas Lolo, alyas Daniel, alyas Laki, alyas Ato, alyas Itak, alyas Tsix at alyas Jhong.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Division Public Affairs Office, 2nd Infantry Division, Philipine Army, napag-alaman na isininuko rin ng naturang mga NPA sa mga otoridad ang limang armas na may live ammunition.
Sa ngayon, nakatakda namang tulungan ang mga ito sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan kung saan mayroong debriefing at Department of Social Welfare and Development profiling.
Samantala, nasa ilalim na ng security protocol ang naturang miyembro ng mga rebeldeng grupo.