-- Advertisements --
ILOILO CITY – Isinailalim sa surgical lockdown ang bahagi ng 14 na barangay sa Iloilo City matapos nakapagtala ng mataas ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nitong hindi bababa sa tatlong kaso at nadadagdagan pa ang naitatala sa 14 na mga barangay.
Ito ay kinabibilangan ng Barangays Tabuc Suba, Quintin Salas, Camalig, MV Hechanova, Cubay, Balabago, Cuartero sa Jaro; Caingin at Baldoza sa La Paz; Punong at Lapuz Norte sa Lapuz; Oñate De Leon at PHHC sa Mandurriao; Taal sa Molo at Quezon Landheights sa Arevalo.
Nagsimula ang lockdown kagabi at tatagal hanggang sa araw ng Linggo.
May mga pulis na ring nai-deploy sa nasabing mga lugar.