-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Sabay na nagsurender sa mga otoridad ang 14 na BIFF Karialan faction habang bitbit ang matataas na kalibre ng armas.

Mismong si M/Gen. Albert Ignatius Ferro ng Criminal Investigation Detection Group ang tumanggap sa nasabing mga rebelde. Ngayong araw prenisenta ni Lt. Col. Rogelio Pineda ng CIDG 12 ang 14 na BIFF members sa isang programa dito sa lungsod.

Bitbit ng mga ito ang anim na barret sniper rifle na may magazine, dalawang M1 Garand rifle, isang unit ng caliber 50 barret sniper rifle, Grenade launcher, Ultimax M16 rifle, tatlong improvise RPG launcher, 2 Mug bomb at improvised 60mm mortar.

Nuong Enero 15, 2022 nangyari ang pagsurender ng nasabing mga BIFF member sa CIDG sa Barangay Tinumegis, Lambayong Sultan Kudarat.

Lahat umano ng mga ito ang nasa pamumuno ni Kumander Gani saligan na nag operate sa Sultan Kudarat at Maguindanao Province.

Dahil dito pinasalamatan ng CIDG ang mga barangay at opisyal ng LGU Sultan sa Barongis , Maguindanao na siyang nag odyok sa mga BIFF na magsurender na.

Marami pa umanong BIFF members ang handang magsurender at bitbitin ang kanilang mga armas para bumalik sa normal ang kanilanang pamumuhay.