ILOILO CITY – Naka-isolate na ngayon ang 14 na mga close-contacts ng pinakaunang kaso Monkeypox sa Iloilo City.
Ayon kay Dr. Adriano Suba-an, Director IV sang Department of Health Center for Health Development Western Visayas, ang nasabing pasyente ay ikaapat na confirmed Monkeypox case sa bansa.
Ang pasyente ay 25 anyos, residente ng Carles, Iloilo, pansamantalang nakatira sa Iloilo City at nagtatrabaho sa isang fast food chain sa Lungsod.
Wala naman itong travel history na mga lugar na may documented confirmed cases ng Monkeypox.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry TreƱas, sinabi nito na ang index case ng Monkeypox sa lungsod ay huling nagtrabaho sa fast food chain noong Hulyo 16.
Ayon sa alkalde, nagsasagawa na rin ng contact tracing ang Iloilo City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) at Iloilo Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) sa mga naka-close contact ng pasyente.
Sa ngayon, naka-isolate na ang pasyente sa ospital sa lungsod.