-- Advertisements --

Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na umabot na sa 14 na mga nadeklarang mga nuisance candidates ang nagpasa ng Motion for Reconsideration.

Ang lahat ng Motion for Reconsideration ay ireresolba pa lamang ng Comelec En Banc kaya naman ang kasalukuyang 66 na valid na mga senatorial bets ay maaari pang madagdagan.

Kaugnay nito, tiniyak ng komisyon na ang mga nadeklarang nuisance candidates ay hindi binase sa pinansiyal kapasidad ng isang kandidato ngunit tinignan nila ang mga kandidato na simula pa lamang ay balak na gawing katatawanan ang eleksyon.

Inaasahang mailalabas ang pinal na listahan ng mga kandidato bago sumapit ang Enero upang masimulan na ang pag-imprenta ng milyon-milyong balota.

Sa ngayon inihahanda na ang mga printing machines na gagamitin ng National Printing Office (NPO).