-- Advertisements --
Sugatan ang 14 na katao sa karambola ng 9 na sasakyan sa National Highway sa Sitio Palico, Barangay Luntal, Tuy, Batangas nitong umaga ng Sabado, Marso 1.
Base sa police report, nangyari ang insidente nang mawalan ng preno ang dump truck habang bumibiyahe mula Calaca city patungong Mendez, Cavite.
Bumangga ang truck sa isang bus na sumalpok naman sa iba pang mga sasakyang nakaparada malapit sa isang convenience store.
Agad namang isinugod sa pagamutan sa Balayan, Batangas at ospital sa Nasugbu, Batangas ang mga nasugatang biktima.
Nag-iwan ang aksidente ng malaking danyos sa mga sangkot na sasakyan.
Nagsasagawa naman na ang mga awtoridad ng imbestigasyon sa dahilan ng pagpalya ng preno at sa posibleng pag-areglo para sa damages.