Patay ang nasa 14 na katao matapos paulanan ng bala ng baril ng militia ang mga nagsasamba sa isang simbahan sa silangang bahagi ng Ituri province sa Democratic Republic of the Congo
Tinukoy nina Djugu territory administrator Ruphin Mapela at civil society leader Dieudonne Lossa na ang Cooperative for the Development of the Congo (CODECO) group ang nasa likod ng pag-atake.
Ang naturang grupo ang isa sa maraming militia na nag-ooperate sa conflict area.
Sa mga nasawi, siyam dito ay mga sibilyan, isang sundalo at 4 sa panig ng mga armadong militia.
Una rito, ang nasabing militanteng grupo din ang itinuturong nasa likod ng mga pag-atake sa mga simbahan sa Mesa, Cepac at Aumopro na matatagpuan malapit sa Lake Albert sa Bahema-Nord chiefdom.
Batay naman sa claim ng militanteng grupo na dinidepensahan lamang umano nila ang interes ng Lendu farmers na matagal ng may sigalot sa hema herders
Ang mga isinasagawang raids ng grupo ay nagpalala pa sa humanitarian crisis na nararanasan sa Ituri province ng Congo kung saan nasa 3 million katao ang nagangailangan ng tulong.