Napinsala ang nasa 14 na paaralan sa Davao de Oro matapos tumama ang magnitude 6.0 na lindol ayon sa Department of Education (DepEd).
Base sa report ng Region XI educational cluster, sinabi ng DepEd na kakailanganin ng P7 million para sa rehabilitasyon at pagkumpuni sa mga nasirang paaralan.
Nagsasagawa na rin ng assessment sa lawak ng pinsala sa mga paaralan.
Ayon kay DepEd spokesman Michael Poa, ang mga estudyanteng naapektuhan sa mga nasirang paaralan ay sasailalim sa alternative delivery mode o distance learning pansamantala upang hindi maantala ang kanilang pag-aaral.
Maglalagay din ng temporary learning spaces sa mga paaralan na nagtamo ng matinding pinsala.
Nauna ng sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ang kakulangan ng school infrastructure at resources ay ang most pressing issue na hinaharap ng sektor ng edukasyon sa bansa.