-- Advertisements --
image 111

sa Gaza ang kabuuang 14 na Pilipino mula sa 56 na napaulat na nakatawid na patungong Egypt.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega, nagpasyang bumalik ang mga ito sa Gaza matapos na hindi payagan ang kanilang maybahay na Palestinian national na makatawid sa border crossing dahil sa mahigpit na Egyptian border control.

Nasa 9 na Palestine ang hindi pinayagang makatawid sa Egypt kayat nagdesisyon na lamang ang mga asawang Pilipino at anak ng mga ito na manatili sa Gaza.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang opisyal sa nangyari subalit ipagpapatuloy pa rin anila ang monitoring sa kanilang sitwasyon at susubukan pa ring kumbinsihin na lisanin ang Gaza.

Una ng sinabi ngayong araw ni PBBM na nasa 56 na Pilipino ang ikalawang batch ng mga Pilipino na lumikas mula sa Gaza subalit nasa 42 na lamang matapos ngang bumalik ang 14 sa mga ito.