-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 14 na volcanic earthquakes sa bulkang Kanlaon.

Sa monitoring ng ahensiya, naobserbahan din ang pagbuga ng bulkan ng asupre na aabot sa 1,857 tonelada nitong Biyernes.

Mahinang plumes naman ang naobserbahan mula sa crater ng bulkan na umabot sa 75 metro ang taas na napadpad sa kanlurang direksiyon.

Nananatili namang namamaga ang edipisyo ng bulkan.

Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa bulkang Kanlaon kayat patuloy na inaabisuhaan ang mga nasa 6-kilometer radius mula sa summit ng bulkan na huwag munang bumalik at manatili sa evacuation areas at ipinagbabawal ang pagpapalipad ng sasakyang panghimpapawid malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa mga banta ng biglaang pagsabog, pag-agos ng lava, ashfall at iba pa.