-- Advertisements --
El Paso Texas
El Paso Texas

Nailigtas ang 14 na katao habang isa naman ang nawawala matapos ang tangka nilang pagtawid sa Rio Grande sa El Paso, Texas.

Ayon sa El Paso Fire Department, hinahanap na nila ang isang lalaki na tumulong para mailigtas ang mag-ina na tumawid sa ilog.

Dinala naman ng Fire and US Customs and Border Protection officials ang tatlong katao sa mga pagamutan.

Nasa kustodiya naman nila ang 11 miyembro ng grupo na sumasailalim sa imbestigasyon.