-- Advertisements --

Patay ang nasa 14 na katao dahil sa malawakang pagbaha sa central Bosnia-Herzegovina.

Maraming kabahayan sa Jablanica,at Sarajevo ang nalubog sa baha.

Bukod pa sa mga nasawi ay maraming katao rin ang naiulat na nawawala.

Nagbunsod ang malawakang pagbaha dahil sa magdamagang pag-ulan at ang pag-apaw ng mga ilog.

Maraming residente sa lugar ang inilkas habang patuloy ang ginagawang pag-rescue ng mga otoridad sa mga naiulat na nawawala.