-- Advertisements --

Nasa 14 katao ang nawawala matapos ang banggaan ng dalawang barko sa karagatan ng Shanghai China.

Isang oil tanker na may kargang 3,000 toneladang gasolina ang bumangga sa cargo ship.

Dahil sa pangyayari ay nasunog ang oil tanker na mabilis naman inapula ng mga coastguard.

Agad na nailigtas sa insidente ang tatlong katao bago pa man tuluyang lumubog ang cargo ship matapos ang banggaan.

Nagsasagawa na ng rescue operations ang mga otoridad sa nasabing insidente.