-- Advertisements --
Aabot sa 14 na private armed groups ang nabuwag ng National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups.
Ayon sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process na karamihang grupo na nabuwag ng NTS-DPAGS ay nag-ooperate sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nahigitan niya nila ang target nilang limang grupo para sa ngayong taon.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na siya ring chairman ng NTF-DPAG’s na kanilang pinagtibay ang whole-government, whole-of-nation approach para labanan ang Private Armed Groups.
Ang nasabing grupo aniya ay malaking posibilidad na maghasik ng kaguluhan sa 2022 Elections.