BUTUAN CITY – Nagsi-uwian na kaninang umaga sa kani-kanilang tahanan ang 14 na mga pamilya ng Purok 3, Brgy. De Oro nitong lungsod matapos inilikas kahapon dahil sa landslide na hatid ng ilang araw na mga pag-ulan.
Napag-alamang matapos ang landslide ay kaagad na nirespondihan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at sa kanilang isinagawang ground assessment, may nakitang mga cracks sa lupa habang isang bahay naman ang may malaking danyos sa kanilang sahig.
Kaninang umaga ay nagsibalikan na sila sa kani-kanilang tirahan upang makapag-aral ang kanilang kabataan sabay pangako na babalik ng evacuation center kung magpapatuloy ang mga pag-ulan.
Inabisuhan na rin ng mga residente na maging mapagmatyag at maging alerto sa lahat ng oras.