-- Advertisements --

Patuloy pa ring nadadagdagan ang bilang ng mga Filipino sa abroad na nahawa sa coronavirus.

Iniulat ngayon ng DFA na panibago na namang 14 na Pinoy ang kinapitan ng COVID-19.

Ang mga ito ay nagmula umano sa mga bansa sa Asia and the Pacific at sa Middle East.

Wala namang naiulat na bagong nasawi habang isang nakarekober na kababayan ang naitala.

“The DFA shall continue to keep track of the status of Filipinos abroad and stands ready to assist and facilitate repatriations, whenever possible,” ani DFA sa statement.