-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Naitala ang 14 na panibagong positibong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng Cauayan City COVID-19 Task Force, ang mga bagong kaso ay mula sa mga barangay ng Cabaruan, Gagabutan, District 1, San Fermin at Guayabal.

Walo sa kanila ang asymptomatic o hindi nakakaranas ng sintomas ng COVID-19.

Nakamandatory quarantine ngayon ang 12 sa mga bagong kaso habang ang dalawang iba pa ay nasa hospital quarantine facility.

Sa ngayon ang mga barangay na kinaroroonan ng kanilang mga bahay ay isinailalim sa calibrated lockdown.

Dahil naman sa mga bagong kaso ay umakyat na sa 39 ang aktibong kaso sa Cauayan City.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang lunsod ang mga residente na sumunod sa health protocols para makaiwas sa COVID-19.