-- Advertisements --

Umabot na sa 14 katao ang patay sa hinihinalang gas leak sa southern Pakistan.

Ilang daang katao rin ang itinakbo sa pagamutan dahil sa panghihina ng makalanghap ng gas sa Karachi sa probinsiya ng Sindh.

Sinabi ni Dr. Zafar Mehdi ng Sindh Province Health Department, hinihintay na nila ang resulta ng autopsy report sa mga nasawing biktima.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.