-- Advertisements --

KABUL – Nasa walong security personnel at anim na sibilyan ang binawian ng buhay matapos ang nangyaring pag-atake ng grupong Taliban sa government security compund sa Afghanistan nitong araw ng Linggo.

Naganap ang pagsabog bago ang pulong ng mga opisyal ng Taliban sa grupo ng mga delegado ng Afghanistan sa Qatar bilang bahagi ng mga hakbang upang tuldukan ang ilang taon nang karahasan sa lugar.

Ayon sa mga local officials, pinasabog ng mga Taliban fighters ang isang car bomb sa Ghazni City malapit sa tanggapan ng National Directorate of Security (NDS), na siyang main intelligence service ng Afghanistan.

Inako naman ng Taliban ang responsibilidad sa insidente.

Sinabi ng mga health officials sa Ghazni, 13 mga adults, kabilang ang walong NDS members at isang bata ang napatay.

Nasa 60 kabataan naman na nasa klase sa isang private school malapit sa blast site ang napasama rin sa 180 sugatan. (Reuters)