-- Advertisements --

Patay ang 14 na katao matapos tamaan ng kidlat sa Peshawar, Pakistan.

Naganap ang insidente sa Khyber Pakhtunkhwa region.

Sinabi ni Kamran Bangash ang provincial spokesman, magkatabi ang bahay ng mga biktima ng tamaan ng kidlat.

Sugatan rin ang tatlong biktima na kasama ng mga biktima.

Kabilang sa mga nasawi ang limang bata at apat na kababaihan.

Mula sa patuloy na pag-ulan ang nasabing pagkidlat.