-- Advertisements --
Umabot sa 14 na katao ang patay at siyam ang sugatan matapos ang bomb attack sa isang bus na may lulang mga bata sa hilagang-kanlurang bahagi ng bansang Burkina Faso.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung sino ang responsable sa insidente, na nangyari sa lalawigan ng Sourou, maging kung ilan sa mga patay ang bata.
Nitong mga nakalipas na taon nang paigtingin ng Islamist groups na may kaugnayan sa al Qaeda at Islamic State sa kabila ng mga hakbang upang magapi ang mga ito.
Nitong Disyembre 24 nang mapatay ng mga rebelde ang 35 katao, na karamihan ay mga babaeng sibilyan, sa pagsalakay sa isang military outpost sa probinsya ng Soum.
Ayon pa sa mga otoridad, nasa 87 militante at local security forces ang napatay sa naturang bakbakan. (Reuters)